Thursday, March 5, 2015

Destiny: My Fangirl and I (2: 60 Seconds)

Chapter 2


Palihim na lumabas ng dorm si L kinagabihan. Suot niya ang black na jacket na hiniram niya mula kay Dongwoo, black na jeans, white rubbershoes at black na cap. Nang papalapit na siya sa parking lot, inilabas niya ang black na shades mula sa pocket ng jacket niya at isinuot ito. Alas onse na ng gabi. Naglalakad siya papalapit sa car niya nang...


"Pupuntahan  mo ba siya ngayon?" wika ng lalakeng biglang sumulpot sa may likuran ni L. Si Sungjong. Naghihintay pala ito sa paglabas ng kaibigan. "Baka mapahamak ka pa sa ginagawa mo, eh. Anong gagawin mo kapag magleak na naman ito sa press? Katulad ng dati..."