Thursday, March 5, 2015

Destiny: My Fangirl and I (2: 60 Seconds)

Chapter 2


Palihim na lumabas ng dorm si L kinagabihan. Suot niya ang black na jacket na hiniram niya mula kay Dongwoo, black na jeans, white rubbershoes at black na cap. Nang papalapit na siya sa parking lot, inilabas niya ang black na shades mula sa pocket ng jacket niya at isinuot ito. Alas onse na ng gabi. Naglalakad siya papalapit sa car niya nang...


"Pupuntahan  mo ba siya ngayon?" wika ng lalakeng biglang sumulpot sa may likuran ni L. Si Sungjong. Naghihintay pala ito sa paglabas ng kaibigan. "Baka mapahamak ka pa sa ginagawa mo, eh. Anong gagawin mo kapag magleak na naman ito sa press? Katulad ng dati..."

"Don't worry. Babalik din ako agad," sabi ni L sabay bukas sa pintuan ng kotse,


Agad lumapit ang kaibigan at hinawakan ang pintuan ng kotse upang pigilan si L sa pag-alis.


"L..." wika ni Sungjong na pilit pinipigilan ang kaibigan. Makikita sa mga mata ni Sungjong ang pag-aalala. He cares for L. Sa kanilang pito, he's the closest to L. He knows for a fact na kapag may paparazzi na makahuli sa kaibigan, maaaring maulit na naman ang nangyari dati. Ayaw niyang masangkot ulit ang kaibigan sa isang scandal sa pangalawang pagkakataon.


Hinawakan ni L ang kamay ni Sungjong at inalis ito sa pagkakahawak sa pintuan ng kotse. Ngumiti ng bahagya kay Sungjong at nagpatuloy sa pag-alis.

Naiwan si Sungjong na nakatayo sa parking lot. Mababakas sa kanyang mukha ang kalungkutan. Alam ng Infinite members ang mga pinanggagawa ni L. Pero si Sungjong lang ang tahasang pumipigil sa kaibigan. Si Dongwoo at Woohyun naman ang todo kung makasuporta dito.


"L, alam mo naman siguro kung anong pwedeng mangyari sakaling malaman ng mga fans. Pero... hindi kita pipigilan. Alam ko naman kung saan ka talaga masaya," wika ni Dongwoo noong gabing pinagtapat ni L sa mga members ang plano niya.

"Just remember na nandito lang ako... kami! Kung ano man ang mangyari in the near future, we're just here for you," dagdag ni Woohyun.


In the entertainment world, there are things that you need to give up just to reach the top. To achieve fame and success, sacrifices need to be done. Most of the time, celebrities walk the lonely path. Away from their families and loved ones. Away from their normal lives. To the point na pati privacy nila, mawawala rin sa kanila. Kasi, in their every move, maraming mga mata ang nakabantay. Minsan, nakakasakal na. Pero ganoon talaga. Mahirap. Pero wala silang choice. It is the only path they can walk to achieve their dreams.





Samantala, sa dorm ng Infinite, napansin ni Sunggyu si Woohyun na tila may hinahanap sa bag.

"Anong hinahanap mo? Kanina ka pa diyan, ah! Wala ka bang balak matulog? Tulog na sila. Maliban kay..." tanong ni Sunggyu.

"May hinahanap akong importante. Kakabili ko pa lang n'un, eh. Ang alam ko, sa jacket ko lang iyon nilagay kanina," sagot ni Woohyun at nagpatuloy sa paghahanap.

"Ano ba kasi 'yon? Baka sakaling ako ang makakita," nakangiting wika ni Sunggyu.

Tinitigan ni Woohyun ang kaibigan. "Secret! 'Wag ka masyadong ngumiti, nawawala na naman ang mata mo," biro ni Woohyun kay Gyu.

"Sige ka. Kapag makita ko iyon, hindi ko na ibibigay sa'yo," pagbabanta ni Sunggyu sa kaibigan.

"Malakas ang hinala ko na nalaglag ko iyon somewhere papunta dito sa dorm. Baka...."

"Baka?" curious na tanong ni Sunggyu.

"Nevermind."

"Naku! Hindi na iyon mababalik sa'yo," tukso ni Sunggyu.

"Malamang! Nag-iisa lang pa naman iyon," sagot ni Woohyun na may panghihinayang.

"Ano ba kasi iyon?" pagpipilit na tanong ng kaibigan.

"Secret nga kasiiiiiiiiiiiii..." sagot ni Woohyun.

"Mamahalin ba? Naku! Baka nabenta na iyon ng nakapulot. Malas mo! Sabi nga nila, 'If it's not meant for you, it's not meant for you! Kapag nawala sa'yo, move on!"

"Ha?" nalilitong sagot ni Woohyun. "Ano iyon? Parang love lang? Ewan ko sa'yo!" dagdag ni Woohyun sabay tawa.

"Pero kapag para sa'yo talaga, babalik din iyon!" dugtong ni Sunggyu.

"Nagda-drugs ka ba? Kung ano-ano na lang sinasabi mo, eh!"

"Minsan lang nga ako magsalita ng may kabuluhan, ginaganyan mo pa ako? Wala kang respeto sa hyung mo ha!" sabi ni Sunggyu habang kunwari sinasakal ang kaibigan.

"Aray...aray! Sorry na! 'Eto naman, eh! Pero..." natatawang sagot ni Woohyun. "...pero, hyung! Hindi naman kasi ako naniniwala sa mga ganyan. Hindi totoo 'yang mga 'meant to be' na iyan. Hindi totoo ang 'destiny'!"

"Totoo ang destiny! Sige, ganito na lang. Kapag makita mo ulit 'yung nawala sa'yo, maniniwala ka na ba sa destiny?" tanong ni Sunggyu.

"Fine! Kapag makita ko ulit iyon, maniniwala na ako sa destiny na iyan. Ide-date ko pa iyong taong nakapulot n'un!" confident na sagot ni Woohyun.

"Aba! Confident! Parang sigurado ka na talagang hindi mo na ulit makikita iyon."

"Impossible na kasi!"

"Pero, sige! Deal! Pero, dapat totohanin mo ha. Paano kung sakaling makita mo nga ulit, sure ka bang ipapaalam mo talaga sa akin?" tanong ni Sunggyu.

"Wala ka bang tiwala sa akin?" nakakunut-noong tanong ni Woohyun sabay aegyo.

"Wala, eh!" nakangiting sagot ni Sunggyu habang nangliliit ang mga mata nito.





Nakatayo si L sa tabi ng isang unit sa isang condominium. Tinanggal na niya ang kanina'y suot na black shades at isinuot ang isang black facemask. Pinapatid-patid niya ang wall at maya-maya'y pasulyap-sulyap sa watch na tila may hinihintay. Fifteen minutes na lang at mag-aalas dose na nang may isang babaeng dumating na papalapit kay L. Bigla itong huminto sa tapat ng lalake.


"Ano bang dapat kong gawin for you to stop?" tanong nito kay L.

"Min Hee, let's date again. Please?" pagmamakaawa ni L.


Park Min Hee. Mayaman, maganda at matalino. Anak siya ng isang executive ng isang broadcasting station at ex-girlfriend ni L. Fourth year college si Min Hee noong naging sila ni L. Naging isang malaking scandal dati ang pagkakareveal ng relationship nila sa public. Because of that, kinailangang mamili ni L between his love and his career.


"Umuwi ka na," wika ni Min Hee sabay lakad papunta sa door ng condo unit niya.

Ngunit, biglang hinawakan ni L ang braso ni Min Hee.

Nakaramdam siya ng kaba. Bumilis ang tibok ng puso ni Min Hee.



Dugeun! 

Dugeun!

Dugeun!



Hinila ni L si Min Hee papalapit sa kanya.

Lalong lumakas ang tibok ng puso ni Min Hee. Tiningnan niya sa mata si L. Bakas dito ang lungkot sa mga mata ng binata. Nagkatitigan silang dalawa.

"Okay.... aalis ako. Just.. just give me 60 seconds," pakiusap ni L sabay yakap kay Min Hee.




~ End of Chapter 2~


No comments:

Post a Comment