Wednesday, April 1, 2015

Destiny: My Fangirl and I (3: Voice of My Heart)

Chapter 3


Maaga akong nagising kinabukasan. Hindi ko nakita si Woohyun kahapon kaya medyo disappointed ako. First day ko! First day! Pero walang Woohyun na nagpakita sa NIT Café. Pero hindi bale. Marami pang pagkakataon. Mamaya, baka makita ko na rin siya.


Paglabas ko ng room ko, nakita ko si Lola na nakangiti sa akin. Lumakad ako papalapit sa kanya.

“Wala, eh. Hindi ko siya nakita kahapon,” pabulong kong sabi kay Lola.

“Okay lang iyan, apo. Baka mamaya,” nakangiting sagot niya sa akin.

“Anong mamaya? Ma, anong pinagbubulungan niyo diyan ni Tae Ri?” sabat ng Mama ko na nakikinig pala. “Naku, umayos kang bata ka ha. Baka kung anu-ano na lang ang inaatupag mo. Umayos ka sa pag-aaral mo para makagraduate ka na sa darating na March. Kapag naging doctor ka na, may pag-asa na tayong umahon sa kahirapan. Nagpapakahirap ang Papa mo sa pagtatrabaho kaya umayos ka sa pag-aaral mo.”


Three months. Three months na lang at matatapos na ako. Magsusuot na ako ng puting lab gown at manggagamot ng mga may sakit. Pangarap ko talagang maging doctor. Buti na lang at nakakuha ako ng scholarship kaya nakakaya kong mag-aral ng medicine. Pero, hindi ko talaga magawang palampasin ang opportunity na makapagtrabaho sa NIT Café para ma-meet si Woohyun ng personal. ‘Yung sobrang close. Plano ko, kahit na kukuha nako ng residency sa isang hospital, magpapatuloy pa rin ako sa NIT Café. Hindi naman din mahirap ang trabaho namin sa café kaya tingin ko, kakayanin ko.


“Balitaan mo ako mamaya kapag magkita kayo,” sabi ni Lola bago ako umalis ng bahay.


Nakakatuwa si Lola. Todo kung makasuporta sa akin. At least, may isang tao sa pamilya namin na handa akong suportahan sa anumang gawin ko sa buhay. Hindi ko naman din pinapabayaan ang studies ko. Matataas ang grades ko kaya alam kong kakayanin kong pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Ganito talaga ako. Malakas ang loob. Laging pinapaalala ng Lola ko sa akin dati…

“…gawin mo kung anong gusto mong mangyari sa buhay mo. Sundin mo kung ano man ang sinasabi ng puso mo. Kapag nagawa mo iyon, doon ka lang magiging totoong masaya.”




Samantala, sa dorm ng Infinite, maagang nagising si Sunggyu dahil may filming schedule siya para sa isang variety show. Paglabas niya ng room, nakita niya si L na tila may malalim na iniisip. Nakahiga ito sa sofa at nakapatong ang kanang kamay sa noo. Suot pa rin nito ang all-black attire nito kagabi.

“Myung! Hindi ka pa ba natutulog? Six na oh! May dance practice pa kayo mamayang 9 am,” paalala ni Sunggyu.

“Hindi kasi ako makatulog, Hyung,” sagot ni L.

“Bakit? Anong nangyari kagabi sa lakad mo?”

“As usual, galit pa rin siya sa akin.”

“Hindi mo rin siya masisisi. Oo nga’t pareho kayong nasaktan sa nangyari, pero ikaw kasi ‘yung unang bumitaw. At, nasaktan mo siya ng sobra ng dahil doon,” sabi ni Sunggyu sabay upo sa katabing sofa.

“Niyakap ko siya kagabi….” kwento ni L.

“Heol! Tapos? Nagkiss kayo?” nakangiting tanong ng kaibigan.

“Sira! Hindi ko kayang gawin iyon. Eh di, mas lalong nagalit sa akin si Min Hee,” bumangon si L sa pagkakahiga niya at naupo.

“Anong reaction niya nung niyakap mo siya?” curious na pag-uusisa ni Sunggyu.

“Wala. Ang cold nga niya, eh. Hinayaan niya lang akong yakapin siya. Tapos…”

“Tapos?”

“…tapos umalis na rin ako agad. Wala nang ibang nangyari. Pinapaalis niya ako. Huwag na daw akong bumalik. Ayaw na niya akong makita,” mangiyak-ngiyak na wika ni L.

“Ano bang gusto mo?” tanong ni Sunggyu.

“Anong….ibig mong sabihin, Hyung?”

“Anong gusto mong mangyari ngayon? Tingin mo, mahal ka pa rin ba ni Min Hee?”

“Hindi ko nga alam, eh. Dapat ko na ba siyang i-give up?” tiningnan ni L sa mata si Sunggyu na tila naghahanap ng kasagutan sa mga nanliliit na mata ng kaibigan.

“Pakinggan mo ang puso mo. Pakinggan mo kung kaya pa niyang lumaban o hindi na. Ikaw lang makakasagot ng tanong mo. Pero bago mo pakinggan ‘yang puso mo, matulog ka muna. Okay? Tsaka, maliligo na rin ako baka malate pa ako. Huwag mong kalimutang maligo mamaya!” wika ni Sunggyu sabay tayo sa kinauupuan. Naglakad ito papuntang banyo.

“Hyung, salamat.”

“Wala ‘yun. Matulog ka na,” utos ni Sunggyu.



Samantala, sa NIT Café…

“Tae Ri!” biglang tawag ng supervisor ng café.

“Yes, boss? May kailangan po kayo?” tanong ko.

“Dalhin mo nga itong iced coffee sa practice room. Wala kasi si Minah. Ikaw na lang magdala. Nasa Room 3-5B si Woohyun. Nagcocompose kasi siya ng kanta,” utos ng supervisor namin.


Bigla akong kinabahan. Tama ba ang dinig ko? Para kay Woohyun ang iced coffee? OMG! Tiningnan ko ang lalagyan. Totoo nga. May nakasulat na Woohyun. Para nga sa kanya ang iced coffee.

“Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Kaya pala hindi kami nagmeet kahapon kasi may magandang mangyayari today,” bulong ko sa aking sarili.



Pagkadating ko sa 3rd floor, namangha ako sa aking nakita. Puro pala practice rooms ang andito sa 3rd floor. Nakita ko si Hoya at Dongwoo na sumasayaw sa isang room. Sa kabila naman, busy ang Lovelyz para sa nalalapit nilang comeback. Nagvovocal practice naman si L and Sungyeol sa kabilang room.

Maya-maya’y nakita ko na rin ang Room 3-5B. Nasa dulo pala ito. Binilisan ko ang aking paglakad habang pabilis ng pabilis din ang tibok ng aking puso. Nasa tapat na ako ng pintuan nang may narinig akong humahagulgol sa katapat na room. Dahan-dahan akong lumapit at nabigla ako sa aking nakita.


“Si Sungjong? Umiiyak? Ano kayang problema niya?” tanong ko sa sarili ko.

Paalis na sana ako nang natamaan ko ang door knob ng dala kong coffee. Napalingon si Sungjong sa akin. Nagulat ako.

“Naku…sorry! Sorry talaga. Hindi ko sinasadyang sumilip. May narinig kasi akong umiiyak. Sorry talaga. Huwag kang mag-alala. Wala akong nakita. Hindi ko sinasadya,” wika ko. “Sige, maiwan na kita. Isasara ko na rin itong pinto para walang makaistorbo sa iyo. Sorry ulit.”


Isinara ko ang pinto. Napailing ako. Hindi na ako dapat pa sumilip. Lumakad ako papalapit sa room kung saan naroon si Woohyun.

“Kailangan ko nang maibigay ito sa kanya. Ano ba yan. Lalo pa tuloy akong kinabahan. Bakit ko pa kasi sinilip si Sungjong sa kabilang room,” sabi ko na may halong panghihinayang. “Okay! This is it!”


Kumatok ako ng dalawang beses sa pintuan. Ilang sandali pa’y dahan-dahan kong binuksan ang pintuan sabay sabing….

“Hello po. Nandito na po ang coffee niyo.”

“Sige. Pumasok ka. Pakilagay na lang dito sa tabi ko. Salamat,” sabi ni Woohyun.


Sa mga oras na iyon, pakiramdam ko’y parang sasabog na ang dibdib ko sa kaba. Excited na kinakabahan. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Napakagat ako sa labi ko para kahit papaano ay mabawasan ang nararamdaman kong kaba. Nakaupo si Woohyun at busy sa pagcocompose ng kanta para sa next album nila. Lumapit ako sa tabi ni Woohyun at dahan-dahan kong inilapag sa katabing table ang iced coffee. Pakiramdam ko, parang naka-slow motion ang paligid. Konti na lang at aabot na sa table ang bottom ng cup nang biglang inikot ni Wooyhun ang upuan niya at humarap sa akin.

Nagulat ako. Hindi ko inaasahang gagawin niya iyon. Bigla akong napatingin sa kanya. Sobrang close namin. Grabe! Mga dalawang dangkal lang ang pagitan ng aming mga mukha. It was my first. First time kong makaharap siya ng ganoon ka-close. Kahit noong high school pa kami, hindi naman ako makalapit sa kanya ng ganun.

Nginitian niya ako sabay sabing, ”Thank you sa pagdadala ng coffee ko. Ngayon lang kita nakita. Bago ka ba?”

Agad kong inilapag ang iced coffee at tumayo.

“Kahapon lang po ako nagsimulang magtrabaho sa café,” sagot ko.

“Huwag mo na akong i-po. Bata pa naman ako. Tsaka, tingin ko hindi naman yata nagkakalayo ang age nating dalawa. Kaya ‘wag ka nang masyadong maging formal kapag nakikipag-usap ka sa akin,” wika niya.


Kinikilig ako habang nagsasalita siya. Kinikilig ako ng sobra. Sana lang at hindi niya nahalata. Pilit kong pinipigilan para hindi niya mapansin ang sobrang kilig ko habang kaharap ko siya.


“Sige. Babalik na ako sa café,” paalam ko.

“Teka, sandali!” biglang tawag ni Woohyun.

“Why?” tanong ko.

“Aah, nevermind. Sige. Thank you ulit.”


Nang makalabas ako ng room, feeling ko nasa clouds ako. Lutang! Ang sarap ng feeling. Nakipag-usap sa akin si Woohyun kahit sandali lang.




Kinagabihan, bumalik ulit si L sa condo unit ni Min Hee.

“Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na tumigil ka na. Ayoko na! Tantanan mo na ako!” sigaw ni Min Hee. “Gusto mo bang tumawag pa ako ng security guards para paalisin ka dito?”

Hinawakan ni L ang kaliwang kamay ni Min Hee. Hinila niya ito at itinapat sa kanyang dibdib.
“Please….listen. Listen to the voice of my heart,” wika ni L.





~End of Chapter 3~

Continue reading..

No comments:

Post a Comment