Friday, February 20, 2015

Destiny: My Fangirl and I (1: Last Romeo)

Chapter 1


Nakakabingi ang lakas ng tibok ng puso ko habang papalapit na ako sa NIT Café. Magkahalong saya, kaba at excitement ang naramdaman ko sa mga oras na iyon. Ewan ko ba. Feeling ko sasabog ang puso ko dahil sa mixed emotions na nararamdaman ko. Iyong tipong halos tumakbo na ako papuntang café para lang makarating ako agad. Nakakatawa. Feeling ko para akong baliw. Pero ganon talaga ang nafefeel ko ng mga oras na iyon. Sino ba naman ang hindi maeexcite? From that day on, madalas ko nang makikita ang seven Romeos ng buhay ko. First day ko sa work bilang waitress sa NIT Café. Hindi na ako makapaghintay na makita sila – ang isa sa pinakasikat na boy group, ang Infinite.

Wala yatang tao sa bansang ito ang hindi nakakakilala sa kanila. Maliban na lang siguro sa mga taong hindi mahilig manood ng TV. Pero hindi lang naman sa TV ko sila madalas makita. Laman sila ng mga naglalakihang billboards, pati sa mga magazines ay madalas sila ang cover.Simula noong nalaman ko na madalas silang tumambay sa NIT Café pagkatapos ng kanilang dance practice, nagkaroon ako ng panibagong goal sa buhay – ang makapagtrabaho sa NIT Café para makita sila ng madalas.

Ginawa ko ang lahat para lang matanggap ako sa café. Hindi naging madali ang pag-aapply ko. Paano naman kasi, lahat na yata ng mga sasaeng fans nila ay gustong makapagtrabaho dito. But, don’t get me wrong. Hindi naman talaga ako isang sasaeng fan. Isa akong loyal fan. Wala na akong ibang inaadmire na ibang artists. Sila lang talaga. Swear! Okay, fine! Muntik na akong magtaksil dati. Pero, muntik lang. At once lang iyon nangyari. Never again. Ang totoo niyan, si Woohyun talaga ang main reason bakit ko naisipang magtrabaho sa NIT Café. Gustung-gusto ko talaga siya. Matagal na. The first time na nagkagusto ako sa kanya, nasa high school pa lang kami. Classmate ko si Woohyun dati. Pero tingin ko, hindi na niya ako naaalala. Hindi naman kasi kami close. Noong mga panahong iyon, nahihiya na talaga akong lumapit sa kanya.

I will never forget the day he gave me three roses. It was Valentine’s Day. Ang masaklap lang, hindi lang ako ang binigyan niya ng roses that day. Contest kasi iyon. Ang may pinakamaraming matatanggap na roses, may chance na makadate ang sino mang guy sa school namin. Unfortunately, hindi ako nanalo. Hindi naman din ako nag-eexpect noong mga panahong iyon. Sino lang ba naman ako? Hindi ako sikat. Simpleng tao lang ako. Pero sa kabila ng nangyari, happy pa rin ako. At least, isa ako sa mga nabigyan niya ng roses. Until now, nasa akin pa rin yung mga bulaklak. Itinago ko. Siyempre special iyon, eh.

Nang nakatanggap ako ng tawag ilang araw na ang nakakaraan na tanggap nako sa NIT Café, sobrang saya ko talaga. Buong araw akong lutang. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Hindi ako makapaniwala na magtatrabaho na ako sa coffee shop na pagmamay-ari ng agency nila Woohyun. Halos magiba ko nga iyong kama ko sa kakatalon ko, eh. Pero wala akong pinagsabihan ng good news na natanggap ko, maliban sa lola ko. Hindi ko magawang sabihin sa parents ko dahil alam kong hindi sila papayag. Sino ba namang magulang ang susuportahan ang pangarap ng fangirl niyang anak na magtrabaho sa isang coffee shop para makita ang mga idols niya?


“Hi! Bago ka rin ba dito? Ako nga pala si Kim Ji Sang,” bati sa akin ng isang lalakeng nakatayo sa tabi ng locker ko. “Trainee din ako dito. First day ko today.”

Matangkad siya. Siguro mga nasa 182 cm ang height niya or higit pa. Balingkinitan ang katawan at maputi. May hitsura din naman. Nasa isip ko nung mga oras na iyon, bakit hindi kaya siya nagpa-audition sa Woollim Entertainment kesa mag-apply sa NIT Café? Papasa naman ang looks niya para maging idol.


“I’m Shin Tae Ri. Trainee din ako,” sagot ko naman.

“Maraming may gustong pumasok dito dahil sa Infinite. Eh, ikaw? Infinite din ba ang dahilan bakit ka nag-apply dito?”


I was also asked the same question noong ininterview kami. Pero sabi ng friend ko, huwag na huwag ko daw sasabihin na Infinite ang dahilan ng pag-aapply ko sa café dahil hindi ako tatanggapin.


“Naku, hindi. Actually, naghahanap lang talaga ako ng work. Nabalitaan ko na may hiring dito kaya ako nag-apply. Actually, hindi ako masyadong mahilig sa pop music,” mariin kong pagtanggi. Sinabi ko sa sarili ko, mukhang kailangan ko munang palitan ang wallpaper ng cellphone ko dahil kung hindi, mabibisto ako nito.

Tiningnan ako ni Ji Sang mula ulo hanggang paa. “Sabagay, hindi ka naman mukhang sasaeng fan,” patukso niyang sabi sa akin. May sense of humor din pala itong taong ito kahit papaano.


Ilang sandali pa ay itinuro na sa amin ng immediate supervisor namin ang mga dapat naming gawin. Binigyan din kami ng orientation at mga instructions kung sakaling may mga fans na magkakagulo habang nasa café ang Infinite. Shocks! Information overload! Parang nahilo ako sa dami ng sinabi ng supervisor namin.

“I think I’ve already told you everything you need to know. If you have questions later, don’t hesitate to ask me or any from your seniors here. That’s it! You may now start working,” utos ng supervisor namin.


Maya-maya ay may isang maingay na lalake na pumasok sa NIT Café. Familiar sa akin ang boses niya.

“Minah! Isang iced coffee, please!” Utos niya sa kasamahan kong matagal nang nagtatrabaho sa café.


OMG! Si Jang Dongwoo nga! Ang rapper ng grupo. Tila tapos na sila sa kanilang dance practice at papunta na sila ngayon sa café para tumambay. Isang table na malapit sa glass window ang pinili ni Dongwoo. Naupo siya at kinawayan ang isang fan na nakita niya sa labas. Bigla akong naexcite. Makikita ko na sila lahat sa wakas. Makikita ko na rin si Woohyun. Pinakalma ko ang sarili ko. First day ko ngayon. Hindi ako pwedeng pumalpak dahil baka mawalan ako agad ng trabaho. Kapag mangyari iyon, mawawala rin sa akin ang chance na makita sila ng madalas.

Sumunod na pumasok ang kanilang leader na si Kim Sunggyu. Nakangiti siyang umupo sa harapan ni Dongwoo. Lalong lumiliit ang mata ni Gyu kapag ngumingiti siya. Sunod namang pumasok si Kim Myungsoo. Kilala din siya sa kanyang screen name na L.

“Hyung, pahiram ng black jacket mo. May pupuntahan kasi ako mamaya,” paalam ni L kay Dongwoo.

“Ingatan mo ‘yun ha. Bagong bili ko pa ‘yun,” paalala ni Dongwoo.

“Okay!”

“L, saan ka ba kasi pupunta?” Tanong ng maknae nila na si Sungjong na kakarating pa lang. Naupo siya sa tabi ni L.

Hindi sumagot si L at nginitian lang ang kaibigan.

“Iyang mga ngiti mo’ng iyan, parang alam ko na kung saan ka pupunta,” tukso ni Dongwoo. “Basang-basa na kita, Myung.”

"Sungjong, nagseselos ka nanaman ba?" Pabirong tanong ni Sunggyu.


Nagtatawanan sila ng malakas nang magkasabay namang pumasok si Hoya at Sungyeol. Matapos ang ilang minuto, wala pa rin ang hinihintay ko. Natapos na lang silang nagkuwentuhan. Umalis na lang sila lahat. Pero wala pa rin.

I was disappointed. First day ko pero wala si Woohyun?! Hindi ko siya nakita. Hindi ko alam kung saan siya pumunta. Palihim akong nakinig sa usapan nila pero hindi man lang nila nabanggit si Woohyun. Nasaan kaya siya ng mga oras na iyon?


Natapos na lang ang araw ko pero kahit anino man lang ni Woohyun wala akong nahagilap. Wala naman akong pwedeng mapagtanungan.


“Hoy! Anong nangyari sa iyo? May problem ka ba?” Tanong ni Ji Sang.

“Ako?”

“Hindi, ako! Alangan namang tanungin ko ang sarili ko ‘di ba? Ano ako, baliw? Siyempre, ikaw!” Nakangiting wika niya.

“Wala. Pagod lang ako. Kailangan ko nang magrecharge. Sige, mauna na ako sa’yo. Bye!”

“Sige, ingat ka!”


Nang makalabas ako ng NIT Café, pakiramdam ko para akong wala sa sarili. Disappointed talaga ako na hindi ko nakita si Woohyun. Pero naisip ko, first day pa lang naman. Baka kinabukasan, o sa mga susunod na araw makikita ko rin si Woohyun. Maraming pang araw na darating. Makikita ko rin siya ng malapitan. Habang iniisip ko si Woohyun ng mga sandaling iyon, hindi ko namalayang color green pa pala ang traffic light. Patawid na ako ng kalsada ng biglang….

Eeeeeekkkkkk!!!!

Muntik akong nabundol ng isang motor. Nakahelmet ang driver kaya hindi ko makita ang mukha niya.


“Miss, okay ka lang?” Tanong ng driver.

“Sorry. Sorry talaga. Sorry.”

“Mag-iingat ka sa dinadaanan mo. Baka mapaano ka sa susunod.”

“Sorry po talaga. Sorry.”


Umalis din agad ang lalaking nakamotor. Mukhang nagmamadali. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. Akala ko talaga masasagasaan na ako. Buti na lang at walang nangyari sa akin at sa driver ng motor. Pinagmasdan kong umalis ang lalaki habang nakalagay ang kamay ko sa aking dibdib. Ang bilis ng tibok nito. Sobra talaga akong nagulat sa pangyayari. Hindi ako agad nakaalis sa kinatatayuan ko sa sobrang kaba. Lesson learned: Huwag mag-isip ng kung ano-ano habang naglalakad sa daan. Noted. Nag-red na ang traffic light. Patawid na ako ng may napansin ako sa daan. Isang white box. Dinampot ko ang box.

“Sino kayang may-ari nito? Teka, hindi kaya yung lalakeng muntik nang makabangga sa akin? Siya kaya?” tanong ko sa aking sarili.


~End of Chapter 1~

No comments:

Post a Comment