Tuesday, February 17, 2015

Be My Bride 2: Daddy's Girl

Episode 2


Pare, ang labo eh. Biglang nang-iwan sa ere. Kakarating ko palang nga. I just took an important call tapos pagbalik ko sa table, wala na. Umalis na! Anoyun?wika ni David habang nagdi-dribble ng bola. Madalas nang maglaro ng basketball si David kasama ang kanyang bestfriend sa indoor basketball court ng bahay nila tuwing weekends. Dahil kapwa sila mahilig sa basketball, ito ang madalas nilang ginagawa kapag may free time sila.


Baka naman may nagawa or nasabi ka kanina na ikinagalit. Or baka nainis kasi iniwan mo to answer a call?tanong ni Alvin.



Alvin Villegas. Ang dakilang bestfriend ni Alvin. May pagka-nerd pero techie. Mabait at loyal na kaibigan. Hindi siya mayaman pero sa kabila ng kanyang estado sa buhay, hindi ito naging hadlang para maging mag-bestfriends sila ni David. Siya ang madalas hinihingan ng advice ni David tungkol sa relationships niya kahit na wala pa itong masyadong experience sa pakikipagrelasyon. Torpe kasi.


I told her naman na importanteyung call. Ewan ko talaga, pare. Ang gulo ng chick nayun”. Nagdribble palapit sa ring at shi-noot ang bola.

Hindi kaya isa ‘yun sa mga niloko mo dati?

No! Tsaka, hindi ko siya namumukhaan. Never ko pa siyang nakita before. Pero nabanggit nya na kilala daw niya ako,” sagot ni David. Dinampot ang bola at ipinasa sa kaibigan.

Iyonyun eh! Kilala ka! Maaaring may nagawa ka sa kanya dati. ‘Wanna bet?tanong ni Alvin. Biglang nag-fake at nilampasan ang kaibigan para i-shoot ang bola sa ring.

Naisahan mo ako dun ah. Promise, pare. Wala talaga! Hayaan mo na nga ‘yung babaeng iyon. Kung hindi lang naman ako pinakiusapan ni Daddy na i-meet ‘yung anak ng friend niya, hindi naman sana ako pupunta, eh. Tsaka ang sungit ng babaeng iyon. Isa din yata sa mga socialite na chicks na naghahanap ng mayaman din para mas lalong yumaman. ‘Wag na nga nating pag-usapan.

 “Eh, sino ba ang gusto mong pag-usapan? ‘Yung bagong chick na nakilala mo sa bar?

“Walang kwenta ‘yun. The whole time na magkasama kami, puro medical terms ang pinag-uusapan namin. Dumudugo ‘yung ilong ko kapag kausap ko siya! Teka, timeout muna. Hinihingal nako.”

“So, anong balak mo doon?”

“Gusto nga niya makipagkita ulit eh. ‘Di ko na sinasagot ‘yung mga texts and tawag niya.”

“Fail pa rin? Wala ka pang nahahanap na matino?” Nginitian ang kaibigan. “Totoo nga talagang mahirap hanapin ang true love. Pero sabi nila, hindi naman kasi dapat hinahanap iyon. Kusa lang dumarating.”

“Pero mas madaling darating kung sasalubungin mo,” pabirong wika ni David.

“Loko-loko. Sinasalubong mo nga, pero panay naman hinto mo sa lahat ng girls na makikita mo. Matatagalan ka niyan lalo.”

“Wala naman akong pino-promise sa kanila. Sila itong nag-aassume na there’s something going on between us.”

“Hindi mo kasi nililinaw. Kung umasta ka, parang akala mo seryoso ka at may balak kang ligawan,” sermon ni Alvin.

“Bakit, seryoso ba sila? Pare-parehas lang naman ‘yung mga iyon. Looks at pera ang hinahanap sa lalake. Kaya ang hirap makahanap ng babaeng matino, eh.”

“Paano kung magkamali ka ng akala? ‘Yung tipong akala mo pera lang habol sa’yo pero ang totoo, mahal ka naman pala talaga.”


Napahinto si David sa sinabi ng kaibigan. May point nga din naman ito. Paano nga ba?




Samantala, sa bahay ng mga Sarmiento..

Kinagabihan, pumunta si Ashley para kausapin ang ina tungkol sa naging ka blind date niya.


“Mom! What was that?”

“Ang alin? Aaaahthe blind date? So, how was it? Dali, kwentuhan mo ako.”

“Mom! Hindi nakakatuwa.”

“Ayaw mo ba kay David? He’s a good boy. I want him for you.”

“Mom, NO! Hindi siya mabaitI mean, hindi siya mukhang mabait. Tsaka, ayoko pa magkaboyfriend.”

Nasa tamang edad ka na to get married.”

“Get MARRIED??? Married, agad-agad?!? No way!”

“Are you a lesbian?”

“Of course, NOT!”

“’Yun naman pala, eh…..”

“But mom, not with him!”

Maayos ang family nila. I know his father. And that boy, I know he’s like his father.”

“(Pabulong) So, his father is also a liar…”

“May sinasabi ka?”

“Ah, wala po. Mom, please. I don’t like him. Ayoko!”

“Hindi mo ba pupuntahan ang Daddy mo? He’s in his study room. May sinusulat na naman kasi siyang bagong book,” tanong ng mommy ni Ashley.


Hindi nakasagot si Ashley. Ang totoo, hindi niya alam kung anong isasagot niya sa mommy niya. Tuwing dumadalaw siya sa bahay nila, parati niyang iniiwasang magkita at magkausap sila ng Daddy niya. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya kayang patawarin ang kanyang ama. Bagay na hindi alam ng Mommy niya.



Flashback…


“Hi, Miss Ashley,” bati ng isa sa mga staff ng Daddy niya.

Dadalawin ko lang si Dad sa office niya.”

Sige po.”


Friday ng hapon. Maagang pinauwi sila Ashley dahil may urgent meeting ang faculty and staff sa school nila. Naisipan niyang dumaan sa office ng Daddy niya para yayain itong kumain sa labas. Nakagawian na nilang mag-ama na magbonding at kumain sa labas kapag may free time ang dalaga. Fourth year high school na si Ashley nang time na iyon. Ngunit ang dapat sana’y masayang bonding na magaganap sa pagitan ng mag-ama ay nauwi sa away at sama ng loob na magpahanggang ngayon ay hindi pa natutuldukan.

I-susurprise sana niya ang Daddy niya nang pagbukas ni Ashley ng pinto ng office ay isang nakakabiglang eksena ang kanyang naabutan. Nakahiga ang Daddy niya sa sofa ng kanyang office. Nakabukas ang butones ng polo nito habang nakapatong sa kanyang Daddy ang secretary niya na nakahubad na ang pang-itaas. Nakita niyang sinusubukang tanggalin ng kanyang Daddy ang skirt ng secretary niya..


“Daddy??”


Nagulat ang kanyang Daddy nang makita ang anak na nakatayo sa may pintuan ng office.


“Ashley?” Biglang tumayo si Ramon habang inaayos ang polo. Ang kanyang secretary naman ay dali-daling dinampot ang mga damit at patakbong pumunta sa CR na nasa loob lamang ng kwarto. 

“Ashley, I can explain…”

“Explain, Dad? Anong explanation pa ba ang ibibigay niyo na obvious naman sa akin kung anong nangyari!” galit na wika ni Ashley. “All this time, you were my idol. Bilib na bilib ako sa inyo at sa love na pinapakita niyo kay Mommy. Pero, ito? Ito pala ang ginagawa niyo kapag wala si Mom? Dad, I really can’t believe this! I hate YOU!!!”

“Ashley….”

“No! Don’t touch me! At huwag na huwag niyo akong kakausapin! I really HATE YOU, DAD!!!” Patakbong umalis si Ashley ng office ng ama na umiiyak.


end of flashback



“Hindi mo na ba talaga pupuntahan muna ang Daddy mo sa study room niya?” tanong ng ina.

“Next time na lang, Mom..maybe next time. Tsaka ayoko rin maistorbo siya sa ginagawa niya.”



~end of Episode 2~

No comments:

Post a Comment